Sino Ang Dapat Manalo Sa Hercor College Got Faces?
Paano ba mag mahal? Maari mo bang yakapin at halikan ang mahal mo? Pano kung may mahal syang iba? Di mo naba pakikingan ang puso mo kahit na sumisigaw ito na pag bigyan ang minsanang pagtibok nya para sa isang babae? Mahirap bang mag mahal ng walang kapalit?
Para sa akin ay di naman ganoon kahirap subalit sobrang sakit, masakit na tila di ka makahinga, gusto mong umiyak pero nandun nadin ang inis mo sa sarili na kung bakit di kaba magising sa pagkabulag na ito. Kapalit ay gusto kong madama ang pagmamahal ko sa kanya sa ibat ibang paraan gaya nga ngayon. Ninais ko syang supportahan sa isang paligasahan dahil naniniwala ako na sya ang karapat dapat na manalo sa hercor College got faces at wla nang iba. OO dahil mahal ko siya, sabi nga ng isang commentator, eh ano kung mahal ko sya. OO nga naman ano ngaba kung mahal ko sya…
Actually naniniwala kasi talaga ako sa power ng pagmamahal. Un bang magagawa mo ang mga bagay na di mo inaakalang makakaya mo pero magagawa mo iyon dahil mahal mo ang isang tao. Tulad nga ngayon di ko naisip na makakatungali ko ang madaming tao sa pag propromote at paninidigang si Cleah ang karapat dapat na manalo sa Hercor Got Faces. Tama dahil sya naman ang pinakamaganda sa Hercor Got Faces at sa buong mundo para sa akin. Kagandahan na lagging tumutunaw sa puso ko para sa dalawang bagay. 1. Magmahal upang gumising pa bukas. 2. Gumising at muling masaktan.
Masakit talaga na ang mahal mo ay merong mahal na iba, subalit maswerte pa nga ako dahil magkaibigan kami ni cleah at naapreciate na parin ang mga ginagawa ko kahit alam ko di ko kayang pantayan ang BF niya. At sa huli sana kung di ko manlang nga mapantayan ang Bf nya ay mapapanalo ko sya sa contest na ito bilang isang karangalan at gatimpala para sa akin na kaya kong gawin ang isang bagay kahit na wlang kapalit.














